Home NATIONWIDE Michelle Mae Gonzales bagong NYC commissioner-at-large

Michelle Mae Gonzales bagong NYC commissioner-at-large

MANILA, Philippines- Mayroong bagong commissioner-at-large ang National Youth Commission sa katauhan ni Michelle Mae Baluyut Gonzales, base sa Malacañang.

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Gonzales sa tatlong taong termino bilang kahalili ni Laurence Anthony D. Diestro, batay sa dokumentong may petsang Agosto 12 na ibinahagi ng Presidential Communications Office nitong Biyernes.

Pinangasiwaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang panunumpa ni Gonzales nitong Biyernes sa isang event na dinaluhan ng kanyang pamilya. RNT/SA