Home NATIONWIDE DHSUD chief aminadong nahihirapan sa pagkumpleto ng 6M housing units ‘gang 2028

DHSUD chief aminadong nahihirapan sa pagkumpleto ng 6M housing units ‘gang 2028

MANILA, Philippines – Aminado si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar na magiging mahirap ang pagkumpleto sa target na anim na milyong housing units hanggang 2028.

Sa pre-SONA briefing, ipinaliwanag ni Acuzar na bagama’t walang problema sa pondo, challenging umano ang konstruksyon ng mga housing units na ito.

”Dati po ang usapan six million, ganito po ‘yun eh, may katotohanan doon sa drawing pero sa construction mahihirapan… kasi nga ‘yung buildings three years to construct pero ‘yung latag, ‘yung six million mailalatag mo, with the land, planning, and funding… through private sector money,” ani Acuzar.

Aniya, kulang sa bakanteng lote ang mga urban area o mga lungsod kung saan itatayo ang mga housing units.

Sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Project, layon ng pamahalaan na magtayo ng isang milyong housing units taon-taon hanggang 2028 para solusyunan ang housing backlogs sa Pilipinas.

Bukod sa kakulangan ng mga lupa na maaaring pagtayuan ng housing units, nagkakaroon din umano ng delay dahil sa bidding process. RNT/JGC