Home NATIONWIDE Binay sa paghahain ng ethics complaint vs Cayetano: I need to protect...

Binay sa paghahain ng ethics complaint vs Cayetano: I need to protect my kids

Naghain si Senator Nancy Binay nitong Lunes, Hulyo 8 ng ethics complaint laban kay Senator Alan Peter Cayetano hinggil sa pahayag nito sa kanya sa mainit na pagtatalo nila sa kasagsagan ng imbestigasyon noong nakaraang linggo sa bagong Senate building. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Naging emosyonal si Senador Nancy Binay nitong Lunes, Hulyo 8 nang ipaliwanag ang dahilan kung bakit siya naghain ng ethics complaint laban kay Senador Alan Peter Cayetano.

“I am a parent, so I need to protect my children, and I don’t want them to go back to school where they will be told that their mother has gone crazy just because Sen. Cayetano accused me of being one,” ani Binay.

Larawan kuha ni Cesar Morales

“I feel like crying because I know what children are going through, my children and my nieces and nephews, that time, and I will not let that happen again,” paliwanag pa ng senadora.

“Maybe it’s hard to explain it if you have yet to experience being a parent. Because if you’re a parent, it would be more painful if your child gets hurt. That’s what happened to us during that time,” dagdag pa niya.

Nauna nang inamin ni Binay na iniisip niyang ginagamit lamang ni Cayetano ang isyu sa konstruksyon ng bagong Senate building para sa nagpapatuloy na gusot sa pagitan ng Makati at Taguig, katulad ng ginawa umano nito noong 2015. RNT/JGC