Home OPINION ‘DI DAPAT ‘ALL SHOW’ LANG SI SEC. JONVIC

‘DI DAPAT ‘ALL SHOW’ LANG SI SEC. JONVIC

FLASH news – dapat ay binabantayan ng mga pulis ang mga peryahan na nagkukunwaring entertainment place pero front pala ng illegal drugs at gambling.
Sa Region 3 halimbawa, dapat pasilip ni Central Luzon director PBGen. Red maranan ang peryahan sa Sto. Niño, Meycauyan, Bulacan – malapit sa Robinson’s mall.
Itinuturo ang isang alias  ‘Jonjon’  na source ng shabu na ibinebenta sa peryahan, na karamihang buyers ay mga naglalaro ng color games na inilatag ng isang Erik Marikina.
                                    ×××××
May natuwa subalit mayroon ding sumimangot sa paghirang ni Pangulong  Bongbong Marcos kay Sec. Jonvic Remulla bilang Department of Interior and Local Government top honcho.
Ngunit dahil desisyon ni PBBM, wala namang magagawa ang kahit sino kaya panalangin na lang natin na magtagumpay ang dating Cavite  governor sa iniatang sa kanyang bagong trabaho.
Naniniwala tayong magaling ang long-time provincial head,  pero para hawakan ang local government units at Philippine National Police ay maitururing na isang ‘Herculian’ job.
Sa totoo lang,  ang katiwalian sa LGUs at PNP  ay napakatagal na. Kalakaran na kumbaga, na sa dami ng nagdaang DILG chief ay wala namang nagawa – nariyan pa rin ang katiwalian.
Isa sa ugat ng korapsyon ay ang ‘di nasasawatang vices operations na kaya patuloy na ‘nabubuhay’ ay dahil sa  protection na ibinibigay ng governors, mayors at mga pulis.
Sa mismong  lalawigan ni Sec. Remulla, isang sindikato na binubuo ng LGU, PNP officials at civilians ang nangangasiwa ng illegal gambling, ganoon din ng operasyon ng paihi at fuel smuggling.
Baka lang hindi alam ng butihing kalihim, isang ‘Ka Minong’ ang umaaktong lider ng sindikato, kasama sina ‘Hero’ at ‘Jun Toto’ na bukod sa parehong GLs sa Cavite ay nagsisilbing tong collectors.
Pero maikwento ko lang. Sa unang command meeting sa Camp Crame, inisa-isa ng kalihim ang maraming bawal, kasama na ang korapsyon na dapat matuldukan sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Kailangang maisakatuparan ito ni Remulla para hindi siya tawaging ‘all show and no go’ leader lang. Unahin na niyang buwagin ang sindikato ni Ka Minong, Hero at Jun Toto.