Home METRO Di deklaradong vape products, nasamsam ng BOC Port of Cebu

Di deklaradong vape products, nasamsam ng BOC Port of Cebu

36
0

CEBU, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu, sa pamamagitan ng Subport of Mactan, ang 200 piraso ng signature pods para sa vape devices mula sa isang biyaherong South Korean sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) noong Mayo 3, 2026.

Ayon sa BOC, isinailalim sa inspeksyon ang bagahe ng dayuhan matapos makitaan ng kahina-hinalang imahe sa isinagawang X-ray screening ng airport authorities.

Kasunod nito, nagsagawa ng pisikal na inspeksyon ang Customs Examiner, na may pahintulot ng pasahero, at dito nadiskubre ang 200 piraso ng signature pods para sa vape devices na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱66,000.

Sa beripikasyon ng mga awtoridad, lumabas na hindi idineklara ng biyahero ang mga nasabing produkto sa kanyang electronic Customs Baggage Declaration Form (e-CBDF).

Nang hingan umano ng kaukulang permits at clearances mula sa mga concerned regulatory agencies, inamin ng dayuhan na wala siyang maipakitang dokumento.

Ayon kay Cebu Port District Collector Alexandra Yap-Lumontad, mahalaga ang pagpapatupad ng customs regulations upang maprotektahan ang border ng bansa at matiyak na sumusunod sa batas ng Pilipinas ang mga regulated goods na pumapasok sa bansa.

Pinaalalahanan din niya ang mga biyahero na maging tapat sa pagdedeklara ng kanilang mga dala at tiyaking may sapat na permits at clearances ang mga ito bago bumiyahe.

Sa kasalukuyan, isinailalim na sa seizure at forfeiture proceedings ang mga nakumpiskang vape products alinsunod sa umiiral na customs laws, rules, at regulations. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here