MANILA, Philippines- Hindi lamang sangkot sa droga at maanomalyang pagbili ng healtcare supplies ng Pharmally, utak din si Michael Yang ng intelligence operations ng Chinese government sa Pilipinas, ayon kay Senador Risa Hontiveros.
Sa itinakdang panghuling pagdinig hinggil sa illegal operations ng Philippine Offshore Gaming Organization (POGO) sa bansa, ipinakita ni Hontiveros ang isang litrato ni self-confessed Chinese spy sa Al Jazeera documentary She Zhijiang kasama si Michael Yang, dating adviser ni former President Rodrigo Duterte.
Ayon kay Hontiveros, ibinigay sa kanyang team ang litrato ng isa sa pangunahing informants ng komite ng Senado.
“It further deepens what we already know: Michael Yang is a key actor in Chinese intelligence operations here. Michael Yang na sangkot sa Pharmally, and if the reports are accurate, sa drug operations dito,” ayon kay Hontiveros sa kanyang opening statement.
“Michael Yang na economic adviser ng dating Pangulo. Ginatasan na tayo, pinagtaksilan pa,” patuloy ng senador.
Ibinulgar din ng senadora ang ilang impormasyon hinggil sa pagkakasangkot ni She sa Pilipinas at natuklasan na may unang record ito sa bansa nong December 10, 2011.
Sinabi pa ni Hontiveros na natuklasan ng kanyang research team na may hatol ng korte laban kay She noong 2014 sanhi ng pagkakasangkot sa pagtatayo ng private lottery platform sa Pilipinas sa ilalim ng kompanyang New Asia, Wanda, Diyuan, at Tang Club “nang walang government approval.”
Base sa impormasyon na nakalap ng kanyang sources, iginiit ni Hontiveros na kapag may umiiral na warrant ang isang Chinese national, nahihirapan itong kumilos.
“You cannot get a new passport, you cannot go to China. Unless mayroong nag-ayos sa’yo na matataas na tao. At diumano ang dahilan kung bakit ito naaayos ay dahil nga kinukuha sila bilang intelligence asset. Ayon nga po kay She Zhijiang, siya po ay narecruit bilang intelligence asset to work for the Chinese Communist Party,” ayon kay Hontiveros.
Sa likod ng legal block, sinabi ni Hontiveros na nagagawang kumilos ni She hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Myanmar at Cambodia gamit ang limang iba’t ibang pangalan.
“Noong 2017, despite the 2014 case involving activities in the Philippines and completely oblivious to his espionage activities here, Mr. She was given a 9G visa by the Bureau of Immigration,” ayon kay Hontiveros.
“He continued activities together with the Chinese Communist Party. I want to point out that She’s documented links in the Philippines are via CEZA,” aniya na tumutukoy sa Cagayan Economic Zone Authority.
Bukod sa mbling operations, binanggit din ni Hontiveros ang ilang impormasyon sa pagsasabing “confirms some of my earlier theories that scam cities are used to sow disinformation campaigns to influence hearts and minds.”
“Mukhang hindi lang sugal, scam at trafficking ang pakay ng mga compound na ito, kundi fake news din. Di ako magtataka kung yung mga atake sa akin at sa mga kasamahan ko gaya ni Senator Sherwin ay galing din sa mga POGO,” wika niya.
“Chinese Communist Propaganda is also right under our noses,” giit pa ni Hontiveros matapos ilantad sa pagdinig ang isang spa katabi ng Newport City s Pasay, na sangkot kay She, na may QR codes patungo sa videos sa pagtawag na magsisilbi sa China.
“Itong Yatai spa was once associated with She Zhijiang, but we have no knowledge if he still has controlling interest. Nagpamasahe po doon ang aking informants a few weeks ago, and they took a photo of this QR code that was freely available in the buffet area,” paglalahad ni Hontiveros.
“Ito po ang sumambulat noong clinick namin ang QR code. A telegram group called ‘Hongsheng’ – sounds familiar ba – to support overseas bosses. I don’t know if this is the Hongsheng of Guo Hua Ping (Alice Guo)in Bamban, but nothing surprises me anymore at this point,” dagdag niya. Ernie Reyes