MANILA, Philippines- Nagbabala ang EcoWaste Coalition ang publiko laban sa mga “Labubu” tumblers na may mataas na toxic lead.
Sinabi ng grupo na ang tumblers ay bahagi ng anim na ‘unofficial’ Labubu merchandise items na ibinibenta sa halagang P275 kada piraso.
Ayon sa grupo, ang pagkakalantad sa lead kahit na mababang doses ay mapanganib sa kalusugan.
Base sa World Health Organization (WHO), ang mga bata ang partikular na vulnerable sa epekto ng toxic at maaring magdulot ng permanenteng adverse health impacts partikular sa pag-develop ng central nervous system.
Iminungkahi naman ng EcoWaste Coalition na tawagin ang pansin ng regulatory agency na siyang magpatupad ng lead paint ban sa consumer products tulad ng water tumblers kabilang ang pag-alis mula sa merkado ng mga hindi tumatalima.
Hinimok din ng anti-chemical pollution advocacy group ang mga importer na magpasok lamang ng authentic certificates ng conformity sa 90 ppm lead limit na pinta.
Pinayuhan din ang mga konsyumer na igiit ang kanilang right to product labeling information at right to quality and non-hazardous products. Jocelyn Tabangcura-Domenden