MANILA, Philippines- Magsisimula na ang Department of Agriculture (DA) na bakunahan ang mga baboy sa mga lugar na walang aktibong kaso ng African swine fever (ASF) para tugunan ang mababang partisipasyon sa vaccination drive.
Nakasaad sa Administrative Circular No. 13, sinabi ng DA na isasama na sa vaccination program ang mga baboy sa mga barangay na ‘no active ASF cases’ sa loob ng 40 araw at mga lugar na dati nang nabansagan bilang red o pink zones subalit ngayon ay ‘no active ASF cases’ na.
Ang Red zones ay tumutukoy sa mga lugar na sapul ng ASF, habang ng pink zones ay mga lugar na “no ASF but are adjacent to an infected zone.”
Ang pagbabakuna ay gagawin lamang sa mga inihiwalay na baboy o lumalaking baboy na nasa apat na linggo na ang edad at kailangang malusog o nasuri na negatibo sa ASF.
“There is no minimum number of pigs required for vaccination and pigs do not need to be in the same age group for vaccination,” ayon sa DA.
Papayagan naman ang mga bakunadong baboy na ibiyahe para katayin lamang kapag lumabas na malusog ang mga ito at nasuri na negatibo sa ASF viral antigen sa loob ng 30-day post-vaccination monitoring period.
Isasagawa naman ang pagsusuri sa loob ng pitonh araw bago pa katayin kung ang monitoring period ay lumampas ng 30 araw.
“Clearing vaccinated pigs for transportation must adhere to current regulations, including obtaining a certification from local authorities that ASF is not present in the area where the pigs are coming from,” batay sa DA.
“Pigs that test positive for ASF viral antigen and exhibit clinical signs consistent with ASF must be depopulated. Pigs that test positive but do not show any clinical signs will undergo additional monitoring and testing. Shipment, however, will suspended and the pigs will be subject to a seven-day observation period.”
“If pigs test negative, they can be delivered for slaughter. However, pigs that remain positive after additional tests will be depopulated based on existing guidelines,” wika pa ng departamento.
Samantala, nauna nang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na namahagi na ang DA ng unang 10,000 doses ng AVAC live vaccines mula Vietnam at sa susunod ay gagamit naman ng 150,000 doses, na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin dumarating sa bansa.
Hanggang nitong Nobyembre 8, ang aktibong ASF cases ang naitala sa anim na rehiyon at 20 lalawigan, ayon sa Bureau of Animal Industry.
Sinasabing tumama ang ASF sa 76 lalawigan simula ng naitala ng Pilipinas ang unang outbreak noong 2019. Kris Jose