LANAO del Sur, Philippines – Ipinatigil na ni Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr. ang lahat ng quarry operations na hindi sakop ng permit mula sa provincial mining regulatory board (PMRB).
Sinabi ni Adiong na ang paglaganap ng unregulated quarry operations ay isang seryoso at lumalaking alalahanin sa lalawigan dahil ang mga ito ay tahimik ngunit patuloy na nagdudulot ng pinsala sa kapaligiran, sa likas na yaman at sa kaligtasan ng mga komunidad.
Ayon din kay Adiong, kinakailangan nilang palitan ang mga pinutol na puno habang isinasagawa ang quarry operations sa pamamagitan ng pagpapatubo ng puno upang mapangalagaan ang kapaligiran at maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa.
Binanggit niya ang kamakailang “surge of interest in resource extraction” tulad ng ipinakita ng maraming aplikasyon para sa mga quarry permit sa buong lalawigan, na sumasabay din sa kalakaran ng pagtaas ng paggasta sa pampublikong imprastraktura pati na rin ang muling pagtatayo ng mga tahanan sa Marawi City.
Ang pinakamataas na bilang ng mga aplikasyon –15 sa 43 — ay mula sa bayan ng Masiu, dagdag ni Adiong.
May mga quarry site noon sa Marawi City ngunit nagsara na ito, dagdag ni Papandayan.
Sa ilalim ng Local Government Code of 1991, ang lalawigan ay maaaring maningil at mangolekta ng hindi hihigit sa 10 porsiyento ng patas na halaga sa pamilihan sa lokalidad kada metro kubiko ng mga ordinaryong bato, buhangin, graba at iba pang quarry resources. RNT/MND