Home NATIONWIDE ‘Di panahon ng siraan, pamumulitika sa gitna ng hamon sa enerhiya –...

‘Di panahon ng siraan, pamumulitika sa gitna ng hamon sa enerhiya – Malakanyang

156
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Malacañang ng pagkakaisa at pag-unawa sa gitna ng kasalukuyang hamon sa enerhiya, at sinabing hindi ito panahon ng siraan at pamumulitika.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, mahalagang magtulungan ang lahat at iwasan ang pagpapakalat ng fake news.

“Ang kailangan lang natin ay magkaroon ng pag-unawa, pag-intindi at kumbaga lahat tayo dito ay magtutulungan,” ani Castro sa isang press briefing sa Malacañang.

“Iwasan na ng iba na manira, magbigay ng fake news dahil hindi ito panahon talaga ng pamumulitika.”

Sinabi rin niya na binabalanse ng pamahalaan ang tulong sa publiko, kabilang ang diskwento sa pamasahe sa MRT at LRT, “libreng sakay,” at ayuda sa transport sector na unang naapektuhan.

“Nauna lang talagang bigyan ang nasa transport sector dahil sila ang unang tinamaan at kailangang-kailangan nila ng ayuda pero ang Pangulo sinabi natin binabalanse lahat ang tulong sa ating mga kababayan,” diin ni Castro.

Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., binanggit niya ang mga hakbang ng gobyerno laban sa epekto ng sigalot sa Middle East, tulad ng repatriation ng mahigit 2,000 Overseas Filipinos Workers, tulong pinansyal sa drivers at operators, diskwento sa toll at pamasahe sa eroplano, murang bigas at dagdag Kadiwa outlets.

Nagbigay rin ng fuel at fertilizer subsidy sa mga magsasaka at mangingisda, libreng bigas sa local government units, at idineklara ang national energy emergency upang mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here