Home HOME BANNER STORY Oil firms: Supply sapat hanggang Abril, pero posibleng kapos pagkatapos

Oil firms: Supply sapat hanggang Abril, pero posibleng kapos pagkatapos

144
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng ilang oil companies nitong Huwebes na sapat pa ang kanilang supply ng fuel hanggang Abril, ngunit hindi pa tiyak ang importasyon para sa mga susunod na buwan dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East.

Sa pagdinig ng Senate PROTECT committee, sinabi ni Chevron Philippines president Pongtorn Tangmanuswong na sapat pa ang kanilang stock hanggang huling linggo ng Abril, ngunit hindi pa kumpirmado ang shipments para sa Mayo dahil sa isyu sa presyo at mahigpit na supply.

Ayon naman kay Shell Pilipinas president Lorelie Quiambao-Osial, maaaring magkaroon ng kakulangan sa supply sa buong mundo kung magpapatuloy ang hidwaan, at unang maaapektuhan ang mga bansang Asyano.

Sinabi rin niya na habang may umiiral na minimum inventory requirements, hindi ito sapat sa ganitong sitwasyon kaya patuloy silang gumagawa ng paraan upang mapanatili ang sapat na suplay.

Ayon kay Jetti Petroleum manager Johann Marc Aseoche, nasa mahigit 20 araw na stock na lamang ang natitira sa kanilang imbakan, ngunit wala pang nagsasarang gasolinahan sa kanilang network.

Sa panig naman ng Petron, inamin ni Lubin Nepomuceno na nahihirapan silang kumuha ng bagong supply ng krudo at refined products dahil sa mga limitasyon at pagsasara ng Strait of Hormuz.

Babala niya, mas malaki ang magiging pinsala sa ekonomiya kung magkakaroon ng supply disruption, at kung may price control, posibleng humantong ito sa kakulangan ng fuel dahil hindi makakabili ng mahal na supply ang mga kumpanya.

Sinabi rin ng Independent Philippine Petroleum Companies Association (IPPCA) na kumpirmado pa ang deliveries hanggang Abril, ngunit wala pang katiyakan para sa mga susunod na buwan at patuloy ang “wait and see” situation dahil sa mataas na presyo.

Ayon sa Department of Energy, sapat pa ang supply ng fuel sa bansa hanggang kalagitnaan ng Mayo, ngunit posible pa rin ang matinding kakulangan kung lalala ang krisis sa Middle East. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here