Home ENTERTAINMENT Dick at Vice, pinagsasabong!

Dick at Vice, pinagsasabong!

279
0

Manila, Philippines- Consistent ang pagiging “Miss Friendship” ni Roderick Paulate.

Ito’y pag lagi siyang tinatanong kung ano ang kanyang masasabi tungkol sa kapwa niya komedyante na si Vice Ganda.

As always, Kuya Dick would say na panahon ngayon ng Unkaboggable Star.

Pero hanggang doon lang daw ‘yon, kaya nagtataka siya sa kumakalat na isyu na kesyo nakatikim daw ang TV host ng sermon mula sa kanya.

May kaugnayan ‘yon sa mga binitiwang jokes ni Vice Ganda sa recent concert nila ni Regine Velasquez.

Ani Kuya Dick, never daw siyang hiningan ng reaksyon tungkol doon.

Eto pa, the veteran comedian was also quoted to have described their “pinagsamahan” as “masalimuot.”

Maging si Kuya Dick was surprised to hear that: “Kelan?!”

Unang-una na raw, how could he have said it gayong never pa naman daw silang nagsama?

Feeling tuloy niya, may ilang tao na sadyang ayaw siyang magsalita ng maganda tungkol kay Vice Ganda.

Dick at Meme: pinagsasabong?

You bet! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here