Home METRO Ginang, utas sa live-in partner sa Cavite

Ginang, utas sa live-in partner sa Cavite

279
0

CAVITE, Philippines – Isang ginang ang natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Tanzang Luma III, Imus City, Cavite.

Pinatay umano ang biktima ng kanyang live-in partner na ngayon ay pinaghahahanap na ng awtoridad. Nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima.

Sa report kinilala ang biktima na si alyas Evelyn, 39, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa anak ng biktima bandang alas-2:00 kamakalawa ng hapon dumating siya sa kanilang bahay galing sa eskuwelahan subalit bumungad sa kanya ang ina na nakahandusay sa sahig, dugan at tinakpan ng kumot.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may sugat ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo na naging sanhi umano ng pagkamatay nito.

Ayon naman sa mga kapitbahay ng biktima, bago pa ito natagpuang patay ay nakarinig sila ng pag-aaway sa pagitan ng biktima at live-in partner sa si alyas “Ebot”.

Patuloy naman ang hot pursuit operation ngayon ng pulisya sa suspek para sa isasagawang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay at motibo nito sa pagpatay sa biktima. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here