Home NATIONWIDE DICT inatasan ni PBBM na lumikha ng ‘connectivity’ sa remote, isolated areas

DICT inatasan ni PBBM na lumikha ng ‘connectivity’ sa remote, isolated areas

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtatag ng ‘connectivity’ sa remote at isolated communities sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang kautusan ay ginawa ng Pangulo sa isinagawang sectoral meeting ukol sa National Digital Connectivity Plan (NDCP) 2024-2028 sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes.

“Let us establish first the connectivity. That’s more important than anything else,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Partikular naman na hiniling ng Pangulo na ayusin ang internet connectivity sa ‘remote at isolated communities.’

Ipinanukala naman ni Pangulong Marcos ang pag-roll out ng connectivity program sa mga lugar kung saan maaaring makapagbigay ng libreng Wi-Fi ang gobyerno.

Maaaring namang tumulong ang kanyang administrasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng koneksyon sa mga government facilities.

“We will now provide that market by giving [access] to government facilities, barangay offices, LGUs, etcetera. And that will establish the market,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Once nasanay ang tao na mayroon ng ganyan, we can put them already. We can put the allowance for Wi-Fi already in the budget. Kasi nandiyan na.We can put it in the budget of the government agency. Maliit lang naman,”aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Presidential Communications Office na ang NDCP ay magsisilbi bilang strategic blueprint ng bansa upang dalhin ang ‘universal at meaningful digital connectivity ‘ sa buong bansa.

Samantala, hinggil naman sa isyu ng budget ng NDCP, sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy na pag-uusapan pa ng departamento ang bagay na ito kasama ang Department of Budget and Management.

“We will submit to the President. We have to work with DBM to discuss the phases and program. Identify the targeted GIDA areas [Geographically Isolated and Disadvantaged Areas] and prioritize,” ayon kay Uy. Kris Jose