MANILA, Philippines – NAGLUNSAD ang regional office ng Commission on Human Rights (CHR) sa Central Visayas ng motu proprio investigation sa di umano’y sexual advances ng isang guro sa kanyang dalawang menor de edad na estudyante sa Cebu City.
Sa isang kalatas, , nagpahayag ng pagkabahala ang CHR sa insidente, sabay sabing ang Region 7 office nito ay nagsasagawa na ng imbestigasyon sa pakikipagtulungan sa pamilya ng mga biktima at Philippine National Police (PNP).
Ang guro, nahaharap ngayon sa reklamong inihain ng mga magulang ng dalawang estudyante.
Sinasabing, hiniling ‘di umano ng guro sa kanyang mga estudyante, 14 taong gulang at 17 taong gulang, na alisin ang suot nilang shirts upang makita ng guro ang kanilang mga abs.
“The Commission denounces any form of sexual advances, inappropriate conduct, or innuendos, especially when directed at children, and particularly within institutions of learning where safety and trust should prevail. Such acts are even more alarming when they involve teachers, who are entrusted with the care and education of their students,” ayon sa komisyon.
Sinabi pa ng CHR na handa Ito na magbigay ng suporta at tulong sa mga estudyante at kanilang pamilya.
Nangako rin ang CHR na titiyakin nito na ang ‘violations’ sa mga bata ay “will be met with the full force of the law.”
“While we recognize that some may be hesitant to seek legal remedies due to concerns about possible repercussions, we strongly encourage those affected to take action. Holding individuals accountable is essential to ensuring justice and preventing similar incidents from occurring in the future,” ayon pa rin sa CHR.
Samantala, ipinaalam naman sa Department of Education ang nasabing insidente habang nagsasagawa naman ang eskuwelahan ng sarili nitong imbestigasyon. Kris Jose