Home NATIONWIDE DICT lilikha ng 8M digital jobs sa 2028

DICT lilikha ng 8M digital jobs sa 2028

MANILA, Philippines – Layon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na makalikha ng 8 milyong digital jobs sa susunod na tatlong taon.

Nitong Sabado, Hunyo 7, sinabi ng DICT na inilunsad nito ang ”Trabahong Digital” program, na layong palawakin ang internet connectivity sa buong bansa at palakasin ang mga Filipino sa digital skills.

“Driving the digital-first economy will maximize job opportunities and business growth through digital skills empowerment and by providing our people with the tools they need to succeed,” ayon kay DICT Secretary Henry Aguda.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang DICT na maaabot nito ang job creation target pagsapit ng 2028 sa tulong ng mga katuwang nito sa pamahalaan, academic institutions, at private sector. RNT/JGC