Home ENTERTAINMENT Diego, may face reveal sa anak sa 1st bday!

Diego, may face reveal sa anak sa 1st bday!

Manila, Philippines- Magkasunod ang mga kaarawan ni Diego Loyzaga at anak na si Baby Hailey.

Baby Halley turns 1 on May 22 samantalang her showbiz dad ay isang araw bago ‘yon.

At dahil unang kaarawan ‘yon ng anak, keber kay Diego kahit nawiwindang na sa gastos sa okasyong ‘yon.

Ikinumpara kasi ni Diego ang aabuting birthday expenses ng anak sa pagdaraos ng debut as in equally expensive.

Ayon sa aktor, isasabay na rin daw niya sa May 22 ang face reveal ni Baby Hailey.

Mapapansin nga namang unlike most if not all celebrity parents, ilang araw pagkatapos isilang ang kani-kanilang mga anak, their baby photos are making social media rounds.

Taliwas ang paniniwala rito ni Diego.

Ideally nga raw, it should be the child na siyang magdedesisyon when he or she is ready to face the world.

Depende rin daw ‘yon sa mga magulang ng bata.

But in Diego’s case, he’s reserving the face reveal na itataon niya sa mismong first birthday ni Baby Hailey.

Apprehensive nga lang ang aktor na baka lumaki ito’y masumbatan ng anak: “Why did you expose my face?”

Kaya nga raw noong mag-guest si Diego sa vlog ni Maricel Soriano kasama ang anak ay nakiusap siya na huwag na huwag ipakikita ang mukha nito.

Ang ayaw na ayaw kasi ni Diego ay ‘yung pinangungunahan ang kanyang desisyon sa buhay.

Tulad na lang ng naibalita noon sa radio program ni Cristy Fermin kung saan ginamit na teaser ang pagiging ama ni Diego.

Wala naman daw siyang balak itago ‘yon, ayaw lang niyang na-preempt siya.

Naging controversial of late si Diego dahil sa kanyang stand na hindi siya naniniwala sa kasal to make a relationship work. Ronnie Carrasco III