Home NATIONWIDE Digitalization hirit ng NCSC sa mga negosyo para sa monitoring ng transaksyon...

Digitalization hirit ng NCSC sa mga negosyo para sa monitoring ng transaksyon ng mga senior

211
0

MANILA, Philippines- Nanawagan ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) nitong Lunes sa business owners na ikasa ang digital na monitoring ng mga transaksyon ng mga senior citizens sakaling kalusin ang kanilang purchase booklets bilang rekisitos para makakuha ng government-mandated discounts. 

Ito ang inihirit ni NCSC chairman Franklin Quijano sa pagmungkahi niyang palitan ang purchase booklets ng senior citizens—na nagsisilbing record upang maiwasan ang overbuying at pag-abuso sa discount benefits—ng sentralisadong database.

“If itong mga negosyante na ‘to ay prepared din na mag-digitalize, hindi na mahihirapan mag-monitor,” wika niya sa isang public briefing. 

“Kunwari sa isang gamot, kung ang data sharing ay available, malalaman at malalaman mo ilan ang binili sa buwan na ito at ano ang basehan ng pamimili na ‘yan. May reseta ba? Or kung over the counter, lumampas ba sa today’s consumption?”

Umaasa rin si Quijano na isusulong ng Kamara, sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ang paglikha ng centralized database para sa mga transaksyon ng senior citizens.

Noong nakaraang linggo, isinulong ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang pagkalos sa purchase booklet requirement, at tinawag itong “useless and additional burden” para makakuha ang senior citizens ng kanilang 20% discount.

Iginiit din ni Tulfo na maraming seniors ang madalas makalimot ng kanilang booklets sa bahay kaya hindi nila nagagamit ang kanilang pribilehiyo para sa diskwento. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here