MANILA, Philippines- Tinawag ng China nitong Lunes na “groundless” ang mga akusasyon na tinangka ng Chinese hackers na pasukin ang email systems at internal websites ng ilang Philippine government agencies.
Sinabi ng tagapagsalita mula sa Chinese Embassy na Beijing “firmly opposes and cracks down on all forms of cyber attack in accordance with law, allows no country or individual to engage in cyber attack and other illegal activities on Chinese soil or using Chinese infrastructure.”
“Some Filipino officials and media maliciously speculated about and groundlessly accused China of engaging in cyber attacks against the Philippines, even went as far as connecting these cyber attacks with the South China Sea disputes,” giit ng opisyal.
“Such remarks are highly irresponsible,” aniya pa.
Anang Chinese official, ang cybersecurity ay isang “global challenge” at nanawagan sa mga bansang protektahan ang cybersecurity sa pamamagitan ng dayalogo at kooperasyon.
Matatandaang sinabi ng Philippine Coast Guard na nananatiling secure ang website nito kasunod ng mga ulat ng hacking attempts sa government agencies.
Ito ay matapos sabihin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong weekend na pinasok ng hackers na pinaniniwalaang galing China ang email systems at internal websites ng government agencies sa paggamit ng cloud service provider, na maaaring upang mangalap ng impormasyon.
Inihayag naman ni DICT Undersecretary for Cybersecurity Jeff Ian Dy na natukoy ng departamento, sa pakikipag-ugnayan sa cloud service provider, ang sitwasyon at napigilang lumalala pa sa pamamagitan ng pagharang sa access ong f hackers.
Kabilang sa mga tinarget na email ang mga sumusunod:
Cabsec.gov.ph
Coastguard.gov.ph
Cpbrd.congress.gov.ph
Dict.gov.ph
Doj.gov.ph