Home NATIONWIDE Digong ‘di bayolente, relihiyoso – Sen. Padilla

Digong ‘di bayolente, relihiyoso – Sen. Padilla

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol nina Senador Robin Padilla at Ronald “Bato” Dela Rosa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa biro nito na dapat patayin ang 15 senador upang makapasok sa “Magic 12” ang kandidato ng PDP-Laban Party.

Sa kabila nang ganitong biro, sinabi ni Padilla na hindi bayolenteng tao si Duterte tulad nang ipinaparatang ng karamihan na marami itong ipinapatay na drug addict sa Davao at panahon ng war on drugs.

“Napakabait po at religious ang taong yan behind the curtain of politics, ayon kay Padilla sa text message.

Kasunod nito, humingi ng paumanhin si Padilla, presidente ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan’s (PDP-Laban) na kung saan chairman si Duterte, sa sinumang nasaktan sa biro ng dating chief executive.

Sinabi ni Duterte sa proclamation rally ng Partido sa Club Filipinona kailangan patayin ang 15 miyembro ng kasalukuyang Senado sa pangunguna ni Senate President Francis “Chiz” Escudero upang makatulong na makapasok ang kanyang kandidato.

“Patayin natin ang mga senador ngayon, para mabakante,” ayon sa dating pangulo.

Ayon kay Padilla na kung anumang ang pananagutang legal ng dating pangulo, alam nitong haharapin niya ito.

“Pinanganak na handa naman lagi si Digong,” anya.

Samantala, ikinabit-balikat naman ni Dela Rosa ang kasong inihain n Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Duterte dahil alam nitong kayang ipagtanggol ng dating pangulo ang sarili.

“Wala ‘yan. If ever mag-prosper ‘yung kaso na ‘yan sa prosecution, kayang-kaya naman ‘yan ni Pangulong Duterte harapin. Wala ‘yan. Non-issue ‘yan,” Dela Rosa aniya sa interview.

Nitong Lunes, naghain si PNP-CIDG chief Brig. Gen. Nicolas Torre III ng kaso laban kay Duterte hinggil sa unlawful utterances at inciting to sedition sa Department of Justice (DOJ).

Sinabi pa ng dating PNP chief na naglunsad ng madugong war on drug sa Duterte administion na walang masamang intensiyon si Duterte sa “patayin remarks” nito sa 15 senador.

Tanging si Senador Risa Hontiveros ang pumalag sa pananalita ni Duterte.

“Kilala naman niyo si Pangulong Duterte kung paano ‘yan magsalita, magbiro. Kung may balak siyang patayin, eh di… Bakit sasabihin pa niya in national TV? Patayin?

“Very clear na nagbibiro lang, nagpapatawa lang ‘yung tao. Ang problema diyan, walang 15 senators na nasaktan, ang nasaktan ang CIDG, dagdag ni Dela Rosa. Ernie Reyes