VATICAN CITY – Mayroong double pneumonia si Pope Francis, ayon sa Vatican nitong Martes, dahilan upang lalong maging komplikado ang kanyang gamutan. Isang chest scan ang nagkumpirma ng impeksyon sa parehong baga, kaya’t kailangan ng karagdagang gamot, bagamat nananatili siyang maayos ang pakiramdam.
Mahigit isang linggo na siyang may respiratory infection at na-admit sa Gemelli hospital sa Rome noong Pebrero 14. Dahil sa kanyang dating kondisyon na pleurisy, kung saan natanggal ang bahagi ng kanyang baga, mas madali siyang kapitan ng impeksyon.
Hindi kinakailangan ng ventilator, ayon sa mga doktor, at normal siyang humihinga. Kanselado na ang lahat ng pampublikong aktibidad niya hanggang Linggo, kabilang ang mahahalagang pagtitipon para sa 2025 Catholic Holy Year.
Dalawang beses nang binago ang kanyang gamot upang gamutin ang isang “complex clinical situation” na may polymicrobial respiratory infection.
Hindi pa ibinubunyag kung bacterial o viral ang sanhi, ngunit mananatili siya sa ospital hangga’t kinakailangan. RNT