Manila, Philippines – Nagulat ang mga taga-entertainment media sa mediacon ng Revival King” na si Jojo Mendrez na ginanap sa Dapo restaurant, sa Sct. Borromeo St., Quezon City.
‘Yon ay pagkatapos na mag-courtesy call ni Jojo sa Star Music head na si Roxy Liquigan.
Paano ba naman, habang kumakanta si Jojo ay biglang sumulpot si Mark Herras, yumakap sa kanya, at nag-abot ng bulaklak.
FYI, recently lang ay usap-usapan sina Jojo at Mark na spotted sa Okada Hotel na magkasama.
Napatili ang mga nanonood at agad namang sinamahan si Mark ng isang taga-Aqueous Entertainment (management ni Jojo) sa pag-exit.
Saglit lang si Mark at hindi nagtagal. Hindi na rin nag-entertain ng question from the press.
Pagkatapos kumanta ni Jojo ay nag-announce ang isa pang taga-Aqueous, “Ayun po, sa mga minamahal po naming press people ngayon pong gabi, humihingi po kami ng paumahin.
“Medyo sumama lang po yung pakiramdam ni Jojo. Sa mga magtatanong po na iba, baka puwede na lang natin i-direct message or interview na lang by phone.”
Sa isang group chat ay humingi muli ng paumahin ang Aqueous Entertainment sa mga taga-media na dumalo sa mediacon.
Bahagi ng kanilang statement: “Due to overwhelming atmosphere, Jojo had to excuse himself because of hyperventilation.
“But rest assured he’s ok now and in good shape.”
Nauna pa sa biglanv pagsulpot ni Mark, tinanong si Jojo kaugnay sa pictures at video nila together ni Mark na magkasama sa casino.
Natsismis pa na nag-check-in silang dalawa roon.
Nilinaw na ni Jojo sa PEP ang nasabing intriga.
Pero hindi mamatay-matay ang tsismis.
“Sabi ko nga, no comment na lang. Kasi andaming program na nag-interbyu sa akin diyan.
“Sinasabi ko nga, kahit sabihin kong hindi ay iisipin ng tao’y oo, di ba? Kung sabihin ko namang oo, di naman maniniwala din.
“Di huwag na lang akong mag-comment.”
Walang something sa kanila ni Mark?
Sagot ni Jojo, “Wala!”
Sinabi pa na Pebrero 14, Valentine’s Day, ay magpe-perform sana si Mark for the third time sa Apollo gaybar na malapit sa Baclaran Church, Parañaque City.
Hindi natuloy si Mark.
May mga nag-one-plus-one at baka raw pinigilan ni Jojo si Mark, o magka-date sila noong Araw ng mga Puso.
Ayon kay Genesis “MamiGen” Gallios ng Apollo, nakatakda sa Pebrero 28 ang next guesting ni Mark sa naturang gaybar.
Hiningan ng sampol si Jojo ng kantang “Nandito Lang Ako” na likha ni Jonathan Manalo.
Pahayag ni Jojo: “Napakalaking oportunidad po sa akin ang magawan ng kanta ni Jonathan na isa rin hong kilalang composer.
“At sana ho, magustuhan ninyo iyong ‘Nandito Lang Ako.’ Kasi ang story naman ng ‘Nandito Lang Ako’ ay yung ano, e.
“Marami ngayon ang nagpapaasa. Nagpapanggap na mahal ka.
“Pero bihira yung taong nagmamahal nang totoo. At yung taong nagmamahal nang totoo, yun ang kumakanta ng song.
“Na ibibigay lahat ng kanyang panahon at buhay sa taong kinakantahan niya.
“So, kahit sabihin mong maraming nanloloko ngayong panahong ito, meron pa ring natatanging tao na puwedeng magmahal sa iyo nang totoo.”
Pagtatapat ni Jojo, nag-tranquilizer siya nang i-record ang “Nandito Lang Ako.”
“Kasi first time kong makatrabaho si Jonathan. Masyadong ninerbiyos ako,” pagsisiwalat ni Jojo.
“Kasi ayokong mapahiya sa kanya. Kasi siyempre song niya yan, so kailangan kong ma-perfect yung kantang yon.”
Anyway, masaya naman si Jojo dahil umabot sa 45M views sa iba’t ibang platform ang revival song niya na “Somewhere in My Past,” na ang original singer ay si Julie Vega (1968-1985).
Nag-courtesy call din ang Revival King sa Star Music head na si Roxy Liquigan.
Pumirma rin si Jojo ng kontrata sa ABS-CBN Star Music. JP Ignacio