Home NATIONWIDE Digong ‘di dumalo sa preliminary investigation ng grave threats raps

Digong ‘di dumalo sa preliminary investigation ng grave threats raps

149
0

MANILA, Philippines- Hindi sumipot si dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes sa Quezon City Prosecutor’s Office kaugnay ng kasong grave threats na inihain laban sa kanya.

Hindi pa natatanggap ng kanyang mga abogado ang subpoena kaugnay ng reklamong inihain ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro laban sa dating Pangulo.

“Well, hindi namin sasabihin delaying tactic ‘yun… We assume good faith there,” ayon sa abogado ni Castro na si Atty. Rico Domingo.

Nagsampa si Castro ng reklamong grave threats nitong Oktubre matapos siyang iugnay ni Duterte sa mga komunista.

Naglabas naman ng subpoena para kay Duterte ang QC prosecutors nitong Nobyembre, kung saan inaatasan siyang personal na magsumite ng tugon sa reklamo sa naunang hearing. 

Inihayag din nina Castro at Domingo na naghain sila ng supplemental complaint affidavit fsa patuloy na grave threats.

“Ang laman po noon ay ‘yung another pagbabanta na naman po sa akin nung November 16 na programa niya,” wika ni Castro.

“Ito ‘yung binanggit niya, ito ‘yung laman din nung supplemental complaint ko. Inulit niya pa, nakalagay dito, kaya ikaw France, how do you solve the problem now? Kaya ‘yung statement ko ‘yung komunista dapat patayin kasali ka dapat,” dagdag niya kalaunan.

Ani Domingo, nilalayon ng supplemental affidavit na patunayan na hindi tumitigil ang pagbabanta kay Castro.

“Kaya kami nag file ng supplemental complaint affidavit ay para pag tibayan namin na continuously ang pagka grave threat ng dating Pangulong Duterte sa katayuan ni Congresswoman Castro. Hindi po siya nag stop,” sabi ni Domingo.

Anila, tinanggap ng mga abogado nina Duterte na sina Atty. Penrose Ann Valles at Atty. Kristia Lorraine Caringal ang kanilang complaint affidavit at supplemental complaint affidavit.

“They have 10 days to respond to the criminal complaint and the supplemental complaint. So we start the 10 days today,” ayon kay Domingo. 

Kasado ang sunod na hearing sa December 15. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here