MANILA, Philippines – Naniniwala si dating Sen. Antonio Trillianes na peke at nakatuon lamang umano para protektahan si Presidential Adviser Michael Yang at iba lang drug personalities ang layunin umano ng drug war ng Duterte administration.
“We concluded na peke talaga ito. Ginagawa niya ang war on drugs para proteksyunan niya yung sindikato niya. Kaya po nung sa Davao pa lang, pinapatay nila yung kompetensya. Tapos sila na ang Presidente, ginawa nilang national death squad,” pahayag ni Trillianes sa pagharap nito sa House Quad Committee.
Giit ni Trillianes, “cover up” lamang kampanya sa illegal drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang tubay na pakay at patayin ang kanilang kalaban sa illegal drug trade.
“Tapos yung drug list na sinasabi ni Duterte, mayroong mga legitimate na personalities doon galing sa mga iba’t-ibang ahensya.Pero kapag may kailangan silang isingit na mga kalaban nila sa drug business, sinisingit po nila doon, kaya may mga tinutumba na mga involved din sa illegal drugs kasi kompetensya nila yun sa distribution.” dagdag pa ni Trillianes.
Mariin naman itong itinaggi ni Duterte, aniya, siya ang makakapagpatunay na si Yang na kanyang dating presidential
economic adviser, ay hindi sangkot sa anumang illegal drug trade.
Bilang patunay sa kanyang alegasyon, iprinisinta ni Trillianes sa komite ang bank transactions ng pamilya Duterte na aabot sa P2.4 billion.
“Ito yung mga iba’t-ibang pumasok na mga kaperahan na accounts ni Duterte….So ang total po ng credits na pumasok ay P2.4 billion,” ani Trillianes.
Hindi naman napigilan ni Duterte na mainis sa bintang ni Trillanes, aniya, kung mapapatunayan ang bank transactions ay handa siyang magbigti.
“I’m willing to execute an affidavit to summon the banks pursuant to my waiver kung may totoo lang maski-isa, I will hang myself in front of you. I will summon, I will sign a waiver, all banks, maski World Bank. Kung may isang totoo lang, I will resign and I will ask my daughter to resign and everybody in the family, and I will hang myself,” giit ni Duterte.
Sinabi ni Trillianes na ang mga nasabing bank documents ay nakuha niya noong 2016 presidential polls.
Nang tanungin ng komite kung handa si Duterte na lumagda ng isang bank waiver, sinabi niya na handa ito subalit ang dapat na maging kapalit ay sampalin niya si Trillianes.
“Anong kapalit? Sampalin ko siya sa publiko?! Ngayon na, sampalin ko sa publiko,” pahayag ni Duterte kasabay ng paghawak sa telepono na akmang papaluin si Triallines.
Dahil sa naging komosyon ay sinuspinde ng isang minuto ang pagdinig at nang bumalik ay humingi ng paumanhin si Duterte sa QuadComm sa kanyang inasta. RNT