MANILA, Philippines – PLANO ni dating Pangulong Rodrigo ‘Digong” Roa Duterte na personal na makausap ang ilang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng kanyang tinutukoy na “fractured government” subalit umiwas mula sa tahasang pag-endorso ng kudeta.
“I will be frank with them. I will lay my cards on the table, similar to what I have done here, but in greater detail. I would bring the people along and explain to them what happened to our funds,” ang sinabi ni Digong Duterte.
Sinabi ng dating Pangulo na nakatakda niyang makapulong ang ilang military personnel na hindi pa-sekreto kundi isa itong ‘free and open discussion.’
Sinabi pa niya na ayaw niyang isipin at sabihin ng mga tao na nagpa-plano siya ng kudeta.
Nilinaw ni Digong Duterte na hindi siya interesado na magpasimuno ng kudeta.
Binigyang diin ni dating Pangulong Duterte na ang impormasyon ay mahalaga.
Hinihikayat niya ang mga military na panindigan ang karapatan ng mga mamamayan na malaman kung paano ang pondo ay ginamit ‘over time’ at ang karapatan na maiwasan ang mga hinaing kung ang pera ay hindi nagamit ng tama o nawala.
Tinukoy ni Digong Duterte ang P89.9 billion excess funds ng Philippine Health Insurance Corp. na inilipat sa National Treasury, ang P250 billion ay kinuha mula sa Maharlika fund, at ang 25 tonelada ng ginto na naka-reserba ay naipagbili sa halagang P129 billion.
“It is not my business to have a loyalty check. It is for the military to check if they are still loyal to the Constitution — what it means to them and what it means to the people. I’ll give them all the options. They know they are serving a drug addict commander-in-chief,” ang inability ni Digong Duterte.
Sinabi pa rin niya sasabihin niya sa military na ang inilipat na PhilHealth at Maharlika funds ay ‘malversation’ at mangyaring magsalita at gawin ang kanilang papel bilang mga protektor ng Saligang Batas.
Binasura naman ng AFP ang hangarin ni Digong Duterte na masangkot sila sa pulitika at hindi na aniya kailangan pa ang loyalty test sa hanay ng mga tropa ayon naman kay AFP spokesperson Col. France Margareth Padilla.
Aniya pa nananatiling non-partisan organization ang AFP kung saan ang katapatan ay sa Saligang Batas.
“the AFP would continue to stay within the line of command even as the political rivalry between President Ferdinand Marcos Jr. and the Dutertes intensified,” aniya pa rin. Kris Jose