Home METRO DILG, MPD nag-inspeksyon sa paligid ng Quiapo

DILG, MPD nag-inspeksyon sa paligid ng Quiapo

Nagtungo sa bisinidad ng Quiapo Church sina DILG Secretary Benhur Abalos, Manila Mayor Honey Lacuna Pangan, PNP Chief Benjamin Acorda, BFP Chief General Louie Puracan, MMDA General Manager Procorpio Lipana at Manila Police Director Arnold Thomas Ibay, sa isinagawang ocular upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan na gaganaping Pista ng Itim na Nazareno.

MANILA, Philippines – Tuloy-tuloy ang pag-iinspeksyon ng mga tauhan ng Manila Police District sa pangunguna ni MPD Director Col.Arnold Thomas Ibay sa paligid ng Quiapo Church maging sa Quirino Grandstand.

Ayon kay Ibay, ang pagiging pasukan ng mga deboto ay iisa lamang patungong Simbahan at ito ay sa Villabos St.

“One entry, multiple exit tayo–ang labasan sa Quezon Boulevard,” saad ni Ibay sa kanilang pag-iinspeksyon kasama sina DILG secretary Benjue Abalos, DILG Manila City Director John Vista, PNP Chief Benjamin Acorda Jr.

Ayon kay Abalos, layon ng kanilang inspeksyon kung gaano kahanda upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga deboto na dadagsa bukas sa Traslacion.

Panawagan ni Abalos sa mga deboto lalo na ang mga may sakit, matatanda at mga bata, buntis na mas maigi na huwag nang makipagsiksikan sa dagsa ng mga deboto upang maiwasan ang anumang insidente.

Ani Abalos, nakikita naman ang kahandahan ng PNP,Manila LGU at iba pang katuwang sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno pagdating sa medical, pamatay sunog, kapulisan at iba pang ahensya ng gobyerno.

Kasama rin sa nag-inspeksyon ngayong Lunes o Isang araw bago ang Traslacion bukas, Ehero 9 sa Quiapo sina Manila Mayor Honey Lacuna, BFP at maging ang opisyal ng Simbahan ng Quiapo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleNTC nalagpasan ang target collection ng P3.5B
Next articleRendon, nilait ang Tahanang Pinakamasaya!