Home ENTERTAINMENT Rendon, nilait ang Tahanang Pinakamasaya!

Rendon, nilait ang Tahanang Pinakamasaya!

Manila, Philippines – Sa aminin man o hindi, laging ang pamagat ng anumang literary o creative work ang nagdadala para maengganyo ang isang tao na basahin o panoorin ito.

Kaya kung sa tanong na: what’s in a title, the answer is definitely a lot!

Hindi nalalayo ang paniniwala ng kontrobersyal na social media personality na si Rendon Labador.

Walang hindi nakakakilala kay Rendon if only for his tireless if not brazen na pakikisawsaw sa bawat isyu na lang sa showbiz.

Not only does Rendon harp on issues, maging ang mga sikat na personalidad ay hindi rin niya pinalalampas.

Name it, nalait na yata niya!

As we all know, Tape, Inc. has renamed its noontime show following the decision handed down by the court.

Tahanang Pinakamasaya na ang program title nito makaraang maipanalo ng TV ang copyright at trademark ng Eat Bulaga.

Maging sa usaping ito’y may two cents din si Rendon.

Aniya, hindi raw pamagat ang naisip ng Tape, Inc. kundi tagline.

“Ipinaglalaban ko pa naman kayo, tapos, sa dinami-dami ng pamagat na puwede n’yong maisip, ang pangit pa!” diretsahang post ni Rendon sa kanyang socmed account.

Hirit pa ni Rendon, dahil daw sa pamagat na ito: “Lalo kayong pagtatawanan ni Joey (de Leon)!”

Sang-ayon naman ang ilang netizens sa binansagang Pambansang Sawsawero.

Of the hate posts, mas pinupuntirya ng mga ito si Paolo Contis na isa sa mga hosts ng TP.

Nasaan na raw ang angas nito?

Misnomer din daw ang pamagat which should have been Tahanang Pinakamalungkot.

Any reaction, TP hosts? Ronnie Carrasco III

Previous articleDILG, MPD nag-inspeksyon sa paligid ng Quiapo
Next articleJo Koy, kauna-unahang Pinoy na magho-host sa Golden Globes