Home NATIONWIDE DILG, binago proseso sa byaheng abroad ng local officials

DILG, binago proseso sa byaheng abroad ng local officials

1
0

MANILA, Philippines – Binago ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang proseso ng pag-apruba sa foreign travel ng mga local government official at empleyado upang ma-delegate ang ilang aplikasyon sa regional, provincial at city directors.

Sa ilalim ng DILG Circular No. 2026-017, mananatili sa DILG Secretary ang pag-apruba sa official at unofficial foreign travel ng mga provincial governor, highly urbanized at independent component city mayor, at municipal mayor ng Pateros.

Saklaw din ng kanyang approval ang biyahe ng provincial, city at municipal elective officials na lalampas sa tatlong buwan o gagawin habang may emergency o crisis.

Para naman sa official trips na tatlong buwan pababa at walang umiiral na emergency o crisis, maaari nang aprubahan ng DILG regional directors ang foreign travel ng provincial, city at municipal elective officials.

Ang regional directors din ang magdedesisyon sa ilang travel request ng appointive officials at employees, habang provincial o city directors naman ang mangangasiwa sa ilang aplikasyon mula sa barangay officials depende sa kanilang nasasakupan.

Patuloy na daraan ang aplikasyon sa Foreign Travel Authority Online System, kung saan maaaring isumite electronically ang kinakailangang dokumento.

Nagkabisa ang bagong approval mechanism noong Setyembre 7, 2026. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here