Home NATIONWIDE DILG chief Remulla, 47 pang appointees sasalang sa CA confirmation hearing

DILG chief Remulla, 47 pang appointees sasalang sa CA confirmation hearing

MANILA, Philippines- Kasalukuyang naghihintay ng kumpirmasyon si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ay 47 pang presidential appointees ng kumpirmasyon mula sa Commission on Appointments (CA), ayon kay Surigao del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimente.

Sinabi ni Pimentel, assistant minority leader ng CA, na nakatakdang magsimula ang confirmation hearings para sa appointees sa pagbabalik-sesyon ng Kamara ngayong Lunes, Nobyembre 4.

“We have 48 new appointees pending confirmation as of October 30,” pahayag ni Pimentel.

Kabilang sina Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque at Civil Service Commission Chairperson (CSC) Marilyn Barua-Yap are sa mga naghihintay ng pag-apruba ng CA.

“There are 45 newly promoted military generals and career diplomats pending confirmation,” dagdag ni Pimentel.

Samantala, ang grupo ng 30 Department of Foreign Affairs (DFA) executives na naghihintay ng kupirmasyon ay pinamumunuan ni Emmanuel Fernandez, ang bagong Philippine ambassador to Pakistan, na may concurrent jurisdiction sa Afghanistan. RNT/SA