MANILA, Philippines – Mahigit 133 milyong kilo ng basura ang nakolekta sa buong bansa mula nang ilunsad ng gobyerno ang Kalinisan Program noong Enero 2024, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sinabi ng DILG na ang basura ay nakolekta sa pagitan ng Enero 6, 2024 at Mayo 3, 2025.
“Over 22,000 barangays have cleaned around 4 million sites nationwide. These activities engage about 500,000 participants weekly, including 166,000 barangay officials,” ayon sa ahensya.
“Kalinisan is more than a clean-up drive. It is a disaster risk reduction, public health, and nation-building strategy—proving that clean communities are safer, healthier, and more resilient against floods, disease, and disorder,” dagdag pa nila.
Sa ilalim ng programang Kalinisan, ang mga lokal na pamahalaan at komunidad ay inaatasan na magsagawa ng regular na paglilinis upang matugunan ang mga isyu sa pamamahala ng solid waste at suportahan ang pag-iwas sa baha sa pamamagitan ng paglilinis ng mga daluyan ng tubig, drainage system, at mga pampublikong espasyo ng mga debris at plastic na basura.
Tinitiyak din ng programa na sinusunod ng mga komunidad ang “proper waste disposal through segregation, transport to transfer stations, recycling in Materials Recovery Facilities, and composting,” sabi ng DILG. RNT/MND