Home HOME BANNER STORY DILG nanawagan ng mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan matapos mga...

DILG nanawagan ng mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan matapos mga insidente ng karahasan

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng pagpapatupad ng mas mahigpit na mga hakbang sa seguridad sa mga paaralan at maagap na pagharap sa mga posibleng mararahas na insidente matapos ang pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City at mga pananaksak sa mga paaralan sa Cavite City.

Ayon kay SILG Juanito Victor Remulla, kailangang palakasin ang mga programang pangkomunidad para sa pag-iwas sa karahasan upang maiwasan ang mga katulad na trahedya.

“No learner, teacher, or school personnel should have to fear for their safety inside an institution dedicated to education and personal development. Schools must remain places of learning, opportunity, and hope, not venues of violence,” ani Remulla.

Kinondena rin ng kalihim ang nangyaring pamamaril sa Tacloban at nagpahayag ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi at panalangin para sa mabilis na paggaling ng mga sugatan.

Inatasan din niya ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng masusing at patas na imbestigasyon sa insidente at makipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) at mga lokal na pamahalaan upang repasuhin at palakasin ang mga hakbang sa seguridad sa mga paaralan.

“We stand in solidarity with the victims, their families, and the entire school community during this difficult time,” dagdag niya.

Iginiit ni Remulla na patuloy na makikipagtulungan ang DILG sa iba’t ibang ahensiya at lokal na pamahalaan upang matiyak na mananatiling ligtas, maayos, at angkop sa pag-aaral ang kapaligiran sa mga paaralan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here