Home ENTERTAINMENT Dina, devastated sa pagkawala ng asawa!

Dina, devastated sa pagkawala ng asawa!

Manila, Philippines- Devastated si Dina Bonnevie sa pagkawala ng kanyang mister na si former Ilocos Sur, First District Representative and Agriculture Undersecretary Deogracias Victor “DV” Savellano.

Sa wake ng kanyang mister sa Aetertinas Chapels and Columbarium sa Kyusi, isa kami sa nagpahatid ng pakikiramay kay Ms D.

Nakasabay pa namin sa pagakyat si Gladys Reyes na nakasama ni Ms. D sa isang serye sa GMA7. At inabutan namin sa Chapel of Hera sa 7th floor si Ms. D na kausap si former Makati Mayor Jejomar Binay Jr.

Sa Diliman Hospital unang dinala ni Ms. D si Undersec DV pagkatapos idaing ang matinding pananakit ng kanyang likod.

Prior to this, madalas na raw idinadaing ni Undersec DV ang kanyang likod. At ang ginagawa nilang solusyon ay ang pagpapamasahe ng katawan.

Hindi nila alam na mas nakadagdag ito sa malalang kondisyon ng katawan ng mister ni Ms. D.

On that same day, inilapit sa hospital ni Ms. D ang kanyang mister. Dinala niya ang kanyang asawa sa Makati Medical Center at doon naoperahan.

Limang beses daw nag-flatline si Undersecretary DV at doon na binawian ng buhay.

At sa loob lamang ng isang araw ay umabot na sa P2M ang hospital bill nina Ms. D.

Ngayong Linggo ay dinala na sa Ilocos Sur ang mga labi ni Undersec DV at ibuburol sa Savellano residence sa Cabugao, Ilocos Sur hanggang sa January 16, Huwebes. At ililibing kinabukasan sa Cabugao Cemetery.

After the burial, mananatili si Ms. D sa bahay nila sa Ilocos Sur at doon na rin magse-celebrate ng kanyang kaarawan sa January 27. Julie Bonifacio