Manila, Philippines – Balik talk show ang aktres na si Dina Bonnevie.
But this time, not on TV kundi sa kanyang YouTube channel na may titulong “House of D.”
For sure, na-miss ni Dina ang pagho-host kaya when she saw an opportunity at nagkaroon ng oras, ‘di na sya nagpatumpik-tumpik para i-grab ang offer.
Lumuwag ang sched ni Dina sa pagpanaw ng kanyang mister na si dating Agriculture Undersecretary for Livestock Deegracias DV Savellano.
Sa mga ‘di nakakaalam, mahusay na talk show host si Dina.
Nagtagal at tumatak din siya as a talk show host on TV sa kanyang programang “Ms. D.”
Mas may “k” naman si Dina na mag-host din ng show sa YouTube gaya ng ibang female celebrities.
Ipinost ni Dina sa kanyang Instagram account ang poster and video para sa teaser ng “House of D.”
Kasama ni Dina sa “House of D” ang mga anak nila ni Vic Sotto na sina Oyo Boy and Danica with their respective partners na sina Kristine Hermosa at Marc Pingris.
Magsisimula ang “House of D” sa July 11, 5pm sa YouTube. Julie Bonifacio