AURORA, Philippines – Itinaas ng 91st Infantry “Sinagtala” Battalion (91IB) ng Philippine Army ang alert status at pinalakas ang civil-military coordination sa Baler at sa mga kalapit na lalawigan sa gitna ng masamang panahon.
Sinabi ni Lt. Col. Aries Quinto, commanding officer ng 91IB, na naka-standby ang Disaster Risk Reduction and Response Operations team, kasama ang mga tropa mula sa Alpha, Bravo at Charlie Companies na handang tumulong sa paglikas, pagsagip, tulong medikal at mga pagsisikap sa pamamahagi ng tulong.
Nakikipag-ugnayan din ng batalyon sa mga local government units, disaster response council, komunidad at mga boluntaryong sibilyan.
“This is not just about being ready for storms, it’s about ensuring no one is left behind,” ayon sa 91IB. “Our mission includes protecting lives, not just defending territory.”
Hinikayat ni Quinto ang mga residente na manatiling may kaalaman, sundin ang mga utos sa paglikas, at iwasan ang mga mapanganib na lugar tulad ng mga ilog at dalisdis ng bundok.
“We appeal for public cooperation and community vigilance,” saad ni Quinto “Preparedness is our shared responsibility. We are here to support and protect.” RNT/MND