MANILA, Philippines — Hiniling ng Chinese Consulate General sa Auckland noong Biyernes na kanselahin ng festival ang karagdagang screening ng “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea” na unang ipinakita sa Auckland noong Hunyo 30.
Sinubukan ng China na hadlangan ang mga karagdagang pagpapalabas sa New Zealand ng 82 minutong dokumentaryo ng Filipino filmmaker na si Baby Ruth Villarama tungkol sa mga mangingisdang Pilipino at mga awtoridad ng Pilipinas sa pagharap sa mga tensyon sa WPS.
Gayunpaman, nagpasya ang organizer ng festival na magpatuloy sa screening.
Sa Maynila, sinabi ng Armed Forces of the Philippines nitong Sabado na ito ay “naninindigan” sa mga gumawa ng award-winning na dokumentaryo “sa pagtatanggol sa katotohanan at soberanya.”
“The AFP supports efforts that shed light on the realities faced by Filipino fisherfolk and maritime defenders in the West Philippine Sea,” dagdag nito, patungkol sa mga ginagawa ng Philippine Navy and Philippine Coast Guard (PCG) upang ipagtanggol ang karapatan ng Pilipinas dito. RNT/MND