Home NATIONWIDE Duterte, ex-wife nagkaroon ng ’emotional reunion’ sa The Hague

Duterte, ex-wife nagkaroon ng ’emotional reunion’ sa The Hague

282
0

NETHERLANDS – Nagkaroon ng ’emotional reunion’ sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at dating asawang si Elizabeth Zimmerman, araw ng Biyernes, Hulyo 4, sa International Criminal Court detention center sa The Hague sa Netherlands.

Humalili kasi si Zimmerman sa kanyang panganay na anak na si Davao City first district Rep. Paolo Duterte, sa pagmo-monitor ng kalusugan at situwasyon ng dating Pangulo.

Nagbigay naman ng ‘updates’ si Zimmerman hinggil sa kondisyon ng dating Pangulo, inilarawan ang kanilang ’emotional reunion’ at pamumuhay ng dating Pangulo sa likod ng mga rehas sa Alvin & Tourism Facebook page at iba pang taga-suporta ng mga Duterte.

Sinabi ni Zimmerman na masaya siya na makasamang muli ang dating Pangulo matapos ang ilang buwan na pagkakalayo.

Winika pa rin niya na okay naman ang Pangulo maliban na lamang sa nabawasan ito ng timbang.

Ibinahagi pa rin ni Zimmerman na hindi na umiinom ng anumang gamot ang dating Pangulo.

“He is healthy, but as an old man, he walks slowly,” ang sinabi ni Zimmerman.

Para aniya kay dating Pangulong Duterte, ang European summer ay ‘uncomfortably warm’. Sinabi pa niya na ginugugol ng dating Pangulo ang karamihan sa kanyang oras sa panonood ng telebisyon sa loob ng kanyang detention quarters.

Tinanong aniya siya ng dating Pangulo ukol sa kanilang hometown, ang Davao City, at kanilang bunsong anak na si acting Mayor Sebastian Duterte.

Samantala, pinasalamatan naman ng dating Pangulo ang kanyang mga taga-suporta sa buong mundo at sa The Hague.

“He is happy, but he does not want to bother,” ang tinuran pa rin ni Zimmerman.

“He remains composed and mentally alert,” aniya pa rin.

Ang dating Pangulo ay inaresto dahil sa di umano’y crimes against humanity. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here