Home NATIONWIDE Diokno sa posibleng koalisyon sa admin bets para sa Eleksyon 2025: Di...

Diokno sa posibleng koalisyon sa admin bets para sa Eleksyon 2025: Di pwedeng marriage of convenience lang ‘yan

MANILA, Philippines- Hindi sinisilip ng oposisyon na mangampanya kasama ang mga kandidato ng administrasyon sa darating na 2025 midterm polls sa kabila ng parehong paninindigan sa ilang isyu, ayon kay human rights lawyer Chel Diokno nitong Linggo.

“When we speak of issues we can align, walang problema… pero when we speak together of electoral victory, parang hindi puwedeng marriage of convenience lang yan,” pahayag niya sa isang panayam.

“Nakita naman natin yung nangyari sa UniTeam na kung magiging marriage of convenience lang yan, saan aabutin yun?” dagdag ni Diokno.

“Any kind of political alliance like that would require an alignment of our values and policies and programs and also our priorities.”

Bagama’t hindi pa pormal na inilulunsad ng oposisyon ang kanilang senatorial slate para sa 2025 midterm elections, nauna nang inihayag ni Liberal Party President Edcel Lagman na wala pang anim na kandidato mula sa kanila ang tatakbong senador para sa darating na eleksyon.

Hindi pa rin pormal na inaanunsyo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang senatorial slate nito, subalit nakikipag-alyansa na ito sa iba pang political parties tulad ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at ng Nationalist People’s Coalition (NPC). RNT/SA