Home NATIONWIDE ‘Diplomas for sale’ paiimbestigahan ni Gatchalian

‘Diplomas for sale’ paiimbestigahan ni Gatchalian

MANILA, Philippines – Nais paimbestigahan ni Senador Sherwin Gatchalian ang ulat tungkol sa mga Chinese national na nagbabayad umano ng hanggang P2 milyon para makakuha ng college degrees sa posibilidad ng isang “diplomas-for-sale” modus sangkot ang mga pribadong unibersidad sa Cagayan Valley.

“While the state strongly supports the internationalization in education, any practice allowing the proliferation of diploma mills in the country must not be allowed,” saad sa Senate Resolution No. 1007 na inihain ni Senador Sherwin Gatchalian.

“The sale of said degrees undermines the government efforts to improve the quality of education in the country,” dagdag pa niya.

Ang mga illegal na aksyong ito, aniya, ay maglalagay ng kwestyon sa kredibilidad ng educational institutions sa bansa at integridad ng degree na nakukuha ng mga Filipino at foreign students.

“Those found to be involved in the ‘diplomas-for-sale’ [scheme] should be held liable. This is not the quality of education that we are trying to promote in our country,” sinabi ni Gatchalian nitong Biyernes, Abril 26.

Sa impormasyon na naunang ibinulgar ni security analyst Chester Cabalza, sinabi ng senador ang pangangailan na silipin ng Commission on Higher Education (CHEd) ang mga pahayag na maraming Chinese national ang nakakakuha ng degree kahit na hindi dumadalo nang pisikal sa klase.

Ayon pa kay Gatchalian, ang pagpasok ng foreign students sa Cagayan at iba pang bahagi ng bansa ay dapat na tumutugon sa Executive Order No. 285 at iba pang existing regulations.

Aniya, nilinaw ng CHED na ang Saint Paul University Philippines sa Tuguegarao City, na tumatanggap umano ng mga Chinese students, ay pinayagan ng Bureau of Immigration na tanggapin ang mga ito. RNT/JGC