Home NATIONWIDE Sheriff na paulit-ulit na lumabag sa batas, sinibak sa puwesto

Sheriff na paulit-ulit na lumabag sa batas, sinibak sa puwesto

MANILA, Philippines – Sinibak sa tungkulin ang sheriff ng Paniqui, Tarlac RTC dahil sa pangingikil ng pera sa mga partido sa isang kaso at hindi pagpapatupad ng kautusan ng korte.

Napatunayan ng Supreme Court (SC) na nagkasala si Sheriff George Clemente ng gross neglect of duty and gross misconduct.

Bukod sa parusang masibak sa serbisyo, pinagmulta rin ng SC si Clemente ng ₱215,000 at binawi ang retirement benefits nito.

Inireklamo ang naturang sheriff ni Atty Sotero Rambayon, legal counsel ng isa sa partido sa civil case.

Sinadya ni Clemente na maantala ang pagpapatupad ng writ of execution sa naturang kaso. Bukod dito, natagalan rin bago naisumite ni Clemente ang kanyang report hinggil sa civil case at idinelay ang pagpapatupad ng hatol sa isa pang kaso.

Sinabi ng Korte na malinaw na nagkasala si Clemente ng gross neglect at gross inefficiency in the performance of official duties.

Kailangan din managot si Clemente dahil sa paghingi ng “police escort fee” at “mobilization fee” mula sa mga partido sa kaso.

Inamin mismo ng sheriff na humingi ito ng pera sa mga partido ng walang court approval.

Binigyan-diin ng SC na hindi na natuto si Clemente sa mga dati na nitong paglabag dahil ito na ang ikatlong pagkakataon na siya ay nagkasala. Teresa Tavares