Home NATIONWIDE Rep. Arroyo pumalag sa halalan ng NGAP

Rep. Arroyo pumalag sa halalan ng NGAP

Manila, Philippines- Kinwestyon ni dating Pampanga Rep. Juan Miguel Arroyo ang ginanap na halalan ng Board of Trustees ng National Golf Association of the Philippines ngayong buwan.

Iniharap ni Arroyo ang reklamo sa Pasig City Regional Trial Court Branch 158 sa kanyang kapasidad bilang miyembro ng Wack-Wack Golf and Country Club, na kabilang sa mga kasapi ng NGAP.

Ayon sa dating mambabatas, iligal at hindi dumaan sa tamang proseso ang General Council Meeting ng NGAP noong April 5, 2024 na nagresulta sa botohan ng kanilang mga opisyal.

Napag-alaman na noong December 2023 ay nag-request ang Ilo-Ilo Golf and Country Club na magpatawag ng halalan dahil ang mga miyembro ng Board of Trustees ay mahigit 2-taon nang nanunungkulan na taliwas sa By-Laws ng samahan.

Bukod sa paglabag sa 2-year limit, maugong din sa golf community ang reklamo ng katiwalian o’ management, dahilan upang magpasya si Arroyo, kasama ang isa pang miyembro ng Wack-Wack Golf na si Rodolfo Soriano na kumandidato sa Board ng NGAP.

Gayunpaman, nabigo ang dalawang complainants na lumahok sa General Council Meeting dahil sa paglabag ng kasalukuyang liderato sa

sariling By-Laws at pamantayan sa naturang aktibidad.

Kabilang sa violations ang kabiguan na magpadala ng Notice of Meeting and Agenda mula sa Secretary General na pagsuway sa Corporation Code, gayundin ang improper venue, dahil ang pulong ay dapat ginawa sa Pasig at hindi sa Alabang, Muntinlupa.

Dahil sa pangyayari, hiniling nina Arroyo at Soriano sa Pasig RTC na ipawalang bisa ang General Council Meeting noong April 5, at ideklarang bakante ang lahat ng elective positions ng NGAP.

Nakapaloob sa Election Contest ang kahilingan na utusan ng hukuman ang Secretary General ng asosasyon na magpatawag ng Special General Council Meeting para sa lahat ng lehitimong halalan ng kanilang Board of Trustees ngayong 2024. RNT