Home METRO Barangay kagawad arestado sa droga

Barangay kagawad arestado sa droga

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang barangay kagawad mula sa Buug, Zamboanga Sibugay dahil sa illegal na droga sa operasyon nitong Miyerkules, Abril 24.

Isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Zamboanga Sibugay Provincial Office, kasama ang Buug Municipal Police Station at Zamboanga Sibugay 1st Provincial Mobile Force Company, ang operasyon sa Purok 5, Barangay Bulaan.

Ang suspek ay kinilalang si Bena Luminza Edris, 38.

Kabilang din sa inaresto si Omar Mohammad Edris, alias “Mamang,” 37, walang trabaho at residente ng Purok 5, Barangay Bulaan.

Nakumpiska sa operasyon ang 15 heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P115,600 at drug paraphernalia.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Sections 11 at 12, Article II, ng Republic Act 9165 sa mga suspek. RNT/JGC