Home NATIONWIDE Pork products mula NegOr, pwede na sa Cebu

Pork products mula NegOr, pwede na sa Cebu

MANILA, Philippines – Pinayagan nang makapasok sa Cebu ang mga baboy at pork-related products mula Negros Oriental.

Ang ban ay inalis sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 17 na inisyu ni Cebu Gov. Gwen Garcia nitong Huwebes, Abril 25.

Matatandaan na ipinagbawal noong Mayo 26, 2023 ang pagpasok ng mga baboy at pork-related products mula Negros Oriental sa pagpasok ng Cebu.

Ipinatupad ito dahil sa kumpirmadong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Negros Oriental.

Ani Garcia sa EO No. 17, ang temporary ban ay inalis dahil sa pangangailangan sa mga baboy at pagtaas ng presyo ng lechon sa Cebu.

Nakaapekto na sa mga consumer sa Cebu ang tumataas na presyo ng lechon.

Bagamat inalis na ang ban sa lechon, naglatag naman si Garcia ng requirements sa pagpasok ng live hogs, biik, at iba pang pork-related products sa Cebu.

Isa rito ay ang pagpapakita ng certificate na nagpapakita ng mga baboy sa pagpasok sa Cebu ay ASF-free.

Kailangan din ang shipping permit.

Para sa imported at local frozen pork products, ang meat inspection certificate ay dapat ding ipakita. RNT/JGC