MANILA, Philippines – Inihahanda na ng Department of Justice (DOJ) ang magiging briefer nito sa legal options na maaring gamitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sandaling maglabas ng arrest warrants ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pa na sangkot sa war on drugs campaign noon.
Simabi ni Justice spokesperson Mico Clavano na nakapaloob sa briefer ang walang kinikilingan na pagsusuri sa bawat opsyon na maaring gamitin sa sandaling maglabas ng arrest order ang ICC lanan sa mga dating opisyal ng bansa.
Una nang ibinunyag ni dating senator Antonio Trillanes IV na ilalabas na ang arrest warrant sa pamamagitan ng International Criminal Police Organization (INTERPOL).
Kabilang umano sa unang batch na sisilbihan ng arrest order ay si Duterte, ikalawang batch ay sina Senator Bong Go, Senator Ronald dela Rosa at si Vice President Sara Duterte.
Ang third batch aniya ay mga PNP officials at mga dating senior officials ng Duterte administration.
Una nang iginiit ni Pangulong Marcos na hindi kikilalanin ng Pilipinas ang anumang arrest warrant mula ICC.
Isa aniyang banta sa soberenya ng Pilipinas ang anumang akdyon ng ICC. Teresa Tavares