MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino noong nakaraang taon ay ischemic heart diseases, habang sumunod na dahilan ang neoplasms at cerebrovascular diseases.
Sinabi pa ng PSA na ang sakit sa puso rin ang naitalang nangungunang sanhi ng kamatayan noong 2022.
Ang mga ischemic heart disease, na nangyayari kapag humina ang puso dahil sa pagbaba ng daloy ng dugo sa puso, ang nangungunang sanhi ng pagkamatay na may 107,767 kaso o 19.0 porsyento ng kabuuang pagkamatay sa bansa.
Ang mga neoplasma, na kung saan ay ang abnormal na paglaki ng cancerous o noncancerous mass, ay pumangalawa na may 60,906 na pagkamatay na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 10.7 porsyento.
Ang mga sakit sa cerebrovascular, isang pangkat ng mga kondisyon na nakakaapekto sa daloy ng dugo at mga daluyan ng dugo sa utak, ang pangatlong nangungunang sanhi ng kamatayan na umabot sa 57,288 na naitalang kaso.
“Deaths due to diabetes mellitus recorded 36,039 cases or 6.3 percent share, making it the fourth leading cause of death, while deaths due to pneumonia, which ranked fifth, recorded 34,507 cases or 6.1 percent share,” sabi ng PSA. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)