Home METRO 2K indibidwal tumanggap ng financial assistance sa Taguig

2K indibidwal tumanggap ng financial assistance sa Taguig

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 2,000 indibiduwal na walang regular na hanapbuhay pero patuloy na nagsisikap ang tumanggap ng financial assistance sa Taguig City sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Pinangunahan nina Cavite 2nd District Congresswoman Lani Mercado Revilla, na kinatawan ang kanyang asawang si Sen. Ramon “Bong” Revilla, at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pamamahagi ng P2,000 ayuda sa mga residente ng Taguig City na karamihan ay mga construction workers, mangingisda, at iba pang mahihirap sa sektor ng lipunan.

Ayon Kay Congresswoman Lani Mercado Revilla, maraming manggagawa ang hindi naman permanente ang trabaho kagaya ng mga construction workers na pana-panahon lang ang pagkakaroon ng trabaho.

Binigyang diin ni Mercado na ang ginagawang pagtulong ay hindi lamang sa Taguig ginagawa kundi nakatutok sa buong bansa, kasama na pati malayong bayan at probinsya.

“Lagi po at patuloy pong nagsusulong ng mga batas si Senador Bong na pabor at makatutulong sa mamayang Filipino ” , Sabi ni Congresswoman Mercado- Revilla.

“Tayo po dito sa Taguig ay maswerte dahil tatlo ang mga senador natin, hindi lamang meron tayong Senador Pia (Cayetano ) at Senador Alan, meron din po tayong Senador Bong Revilla na laging tumutulong at umaaalalay sa atin kahit hindi panahon ng eleksyon o kampanyahan”, sabi naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Kasama sa isinulong na batas ni Senador Bong ay ang 20 percent differential pay sa mga manggagawa ng gobyerno at nars, P10,000 ayuda sa mga senior citizens 80, 85, 90 at 95 years old, pagbabalik ng karapatan ng NFA na bumili at magbenta ng bigas sa murang halaga-P30 per kilo to P20 per kilo, pagbabalik sa mas kapakipakinabang na school calendar para sa mga mag-aaral at magulang, at mga proyekto ng DPWH na nskatutugon sa El Niño at El Niña. Dave Baluyot