Home HOME BANNER STORY Mga hirit na taas-sahod pag-aaralan na – DOLE chief

Mga hirit na taas-sahod pag-aaralan na – DOLE chief

148
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma nitong na ilang regional wage boards ang malapit nang magsimulang suriin ang minimum wage rates.

Sa Kapihan sa Manila Bay Forum, sinabi ni Laguesma na ito ay alinsunod sa naunang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr para sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) upang simulan ang mga pagsusuri sa loob ng 6 araw bago ang anibersaryo ng kanilang pinakabagong wage order.

Nakatakdang simulan ng RTWB-National Capital Region (NCR) ang pagsusuri nito sa susunod na linggo.

Ayon sa kalihim, pagkatapos ng NCR ay 10 rehiyon ang magsasagawa rin ng pagsusuri mula Hulyo hanggang Àgosto.

Asahan aniya ang mga development at bahagi ng pagsusuri ay public consultations at public hearings.

Pagkatapos aniya ay magkakaroon ng pulong ng RTWPB kung saan isasaalang-alang ang mga input, opinyon, at posisyon ng mga nakilahok sa public consultation at pagdinig.

Sinabi ni Laguesma na lalabas ang RTWPBs ng kani-kanilang wage order batay sa resulta ng mga talakayan sa kanilang mga rehiyon.

Samantala, sinabi ni Laguesma na ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) na nagpulong noong Lunes, kung saan naglabas ng resolusyon na nag-uutos sa lahat ng RTWPB na magsumite ng mga indicative na kalendaryo 30 araw bago magsimula ang kanilang mga proseso at sumunod sa 60-araw na review timeline na itinakda ng Pangulo.

Ang daily minimum wage ay nanatili sa NCR sa P610 — ang pinakamataas sa bansa — mula P460 noong Abril 2023. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here