Manila, Philippines- Hindi rin nakatiis na hindi itawid ni direk Daryll Yap ang kanyang saloobin sa mainit na isyung sangkot si Sandro Muhlach at ang dalawang creative staff ng GMA.
Sa kanyang Facebook post, ikinumpara ng kontrobersyal na film director ang GMA at ang ABS-CBN.
Aniya, doon naman daw siya bilib sa
Kapamilya network dahil walang nagrereklamong artist laban sa istasyon.
Ang reklamo ng Sparkle artist na si Sandro ay ang umano’y panghahalay sa kanya ng creative consultant na si Jojo Nones at headwriter na si Richard Cruz.
Naganap ang umano’y insidente sa hotel room ng venue ng nakaraang GMA Gala.
Sa ngayon, binubusisi na ang pag-limbestiga sa kaso.
Ito’y makaraang makarating ito sa kaalaman ng pamunuan ng GMA, na sinundan pa ng pagpupursige ng mga kaanak ni Sandro–kabilang ang amang si Niño Muhlach.
Back to direk Daryll’s FB post, obyus na nakaka-relate siya sa naturang sexual abuse case.
Maging siya rin daw kasi’y nakaranas maparatangan ng “groomer” at “pedo.”
Nagbanta nga ang direktor sa kanyang mga accusers na ita-tag niya ang mga ito pag isiniwalat niya ang aniya’y “mga minadyik n’yo!”
‘Yun nga lang, may implikasyon ang tinuran ni direk Daryll tungkol sa paghanga niya sa ABS-CBN sa dahilang walang nagrereklamo laban dito.
Ayon sa mga netizens, hindi porke walang nagrereklamo sa isang kumpanya–regardless kung saan ang linya nito–ibig sabihi’y walang nagaganap na kaparehong kaso among its artists.
Samantala, nag-isyu rin ng panawagan ang brodkaster na si Arnold Clavio na dapat nang matigil ang sekswal na pang-aabuso na laganap sa showbiz industry. Ronnie Carrasco III