MANILA, Philippines – Isang delivery truck driver ang malubhang nasugatan nang pagbabarilin ng magka ankas sa motorsikli isang motorsiklo sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Paliparan, Dasmarinas City, Cavite.
Ginagamot ngayon sa Carmona Medical Center ang biktima na si alyas Esmeraldo dahil sa tinamong tama ng bala sa kaliwang bahagi ng ulo nito.
Patuloy naman ang ginagawang pag iimbestiga para sa pagkakakilanlan ng mga suspek na lulan ng isang motorsiklo.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya bandang alas-9:00 kamakalawa ng umaga nang naganap ang insidente sa kahabaan ng Governor`s Drive sa Barangay Paliparan 1 sa boundery ng Dasmarinas at General Mariano Alvarez (GMA), Cavite kung saan minamaneho ng biktima ang nasabing truck nang parahin sila ng mga suspek.
Dito tumigil ang driver, subalit kaagad itong pinaputukan ng Isa sa suspek na naka angkas sa motor.
Matapos ang ginawang pamamaril ay mabilis na sumibat ang mga suspek. Margie Bautista