Home ENTERTAINMENT Direk Joel, aminadong pinagalitan sina Nora at Vilma!

Direk Joel, aminadong pinagalitan sina Nora at Vilma!

Manila, Philippines- Sa panayam kay Direk Joel Lamangan sa The Men’s Room, hosted by Stanley Chi at Janno Gibbs, natanong siya tungkol sa kanyang pagiging terror na direktor.

Kilala naman kasi si Direk na palamura sa shooting.

Ayon kay Direk, strikto siya when it comes to time. Ayaw daw niyang dumarating ang mga artista niya na sobrang late sa set.

Makakapaghintay daw siya hanggang 15 minutes lamang.

Kaya kapag nali-late raw ang kanyang mga artista ay pinapagalitan niya ang mga ito, kaesehodang big star na ito o nagsisimula pa lang.

Mula nga raw kay Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, ay napagalitan na niya ang lahat dahil late dumating ang mga ito sa kanilang shooting.

Ang isa pang ayaw ni Direk sa mga artista ay kapag daw tanga ang mga ito.

Ayaw daw niyang hindi name-memorize ang mga dialogue sa kanilang mga eksena. ‘Yung hindi alam ang gagawin. Na paulit-ulit daw na nagkamakali.

At dun na nga niya namumura ang mga ito.

Mayroon pa nga raw isang pagkakataon na sinabihan niyang mag-waiter na lang ang isang baguhang artista, dahil hindi makaaete ng tama, na nangyari naman daw.

Minsan daw nang naglalakad siya sa Makati, may isang waiter daw na gwapo na tumawag sa kanya.

Tapos ay sinabi raw nito sa kanya na siya yung pinagalitan niya noon sa shooting, na sinabihan niyang mag-waiter na lang.

At isa na nga raw itong waiter sa Dubai.

Kung isang terror na direktor si Direk Joel, ngayon daw ay hindi na.

Inatake raw kasi siya sa puso noon kaya hindi na pwedeng laging nagagalit at baka ma-high blood.

Gusto pa raw niyang mabuhay nang matagal. Rommel Placente