MANILA, Philippines- Magdudulot ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at ang easterlies sa ilang bahagi ng bansa ngayong Huwebes, ayon sa, PAGASA.
Magiging maulap ang kalangitan sa Caraga, Eastern Visayas, Davao de Oro, at Davao Oriental na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.
Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.
Ang wind speed forecast para sa Northern at Central Luzon ay light to moderate patungong east to southeast direction na may slight to moderate coastal waters.
Makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate wind speed patungong east to northeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.
Sumikat ang araw ng alas-5:46 at lulubog ng alas-6:09 ng hapon. RNT/SA